PageRank Tool The current mood of upoytao at www.imood.com upoytao Add to Technorati Favorites Pinoy-Blogs.com Blog Directory & Search engine Best blogs on the Web: all about WWW Blog Flux Pinger - reliable ping service. Use JavaScript to scramble your email from spiders and spammers. Button Creator for free - make 80x15 and 88x31 in seconds Blog Directory

lunar phases
Locations of visitors to this page Free Web Site Counters
Free Web Site Counters
View My Stats
  • Subscribe

  • Para kay Chris Anthony Mendez


    Cris Anthony Mendez
    1987-2007


    May namatay nnanaman daw sa UP isang 20 year old na gustong mag law... Namatay daw sa hazing...

    Ok first and foremost masakit ba ang ma-hazing?

    Based from experience hindi biro ang ma-hazing other than ilang oras kayong hahambalusin, tatagain, sisipain at sasapakin (insert any other term basta masakit) well you get the idea ganun talaga bago makapasok sa isang fraternity. (uhmm fortunately di ako nakapasok sa ganun kasi isa ako sa mga binalian ng balikat bago ko natapos yung ordeal)

    Dalawa kasing klase ng fraternity sa pagkakaalam ko... yung isa gi-ne-gauge yung dedication ng isang neophyte according sa kung saan tatagal yung pagsisilbi niya sa master nya o sa head o sa grupo minsan public humiliation or talagang utusan lang talaga.

    Tumatagal ito ng ilang buwan linggo or taon sa iba. Meron pa ngang kahit nakapasok ka na sa isang frat maski na-hazing ka na di ka pa full-pledge or fledge ba yun? na member.

    Kaya ngayon gusto kong isulat bakit ba sumasali ang mga tao sa frat? at anong meron dito?

    walang difference ang pagsali sa frat at pagsali sa isang kulto o couples for christ. Isa lang ang gustong patunayan ng taong gustong sumali dito and ito ang human nature nating lahat, na gusto nating ma-belong, we want to feel accepted and special, yung idea ng exclusivity eh napakasarap pakinggan.

    Ako mismo masasabi kong asteeg ako pag naakyat ko ang Mt. Everest pero bago ka makaakyat dun kelangan sumali ka muna sa isang grupo.

    Malamang ito ang nasa isip nung namatay na estudyante gusto nyang ma-belong or dahil din sa palakasan at anong ma-oofer ng fraternities.

    Totoo naman talaga malaki ang bearing ng pagkakaron ng isang grupo just look at the masons for example tingin mo bakit di pa nahuhuli yung nagsalita na dating NBI director? eh kasi mason siya, mga brod nya lahat from generals at doctors kaya may proteksyon, at kahit sa loob at labas ng bansa may impluwensiya sila.

    Ito yung palagay kong nakuha natin sa animal kingdom hehehe sige try mo, manood ka ng national geographic tingnan mo behavior ng animals there is strength in numbers, sa tagalog dapat magaling ka sa math (syet ang corny) heniweys balik tayo dun sa isang klase naman ng frat.

    Yung pangalawang frat naman ehyung automatic pasok ka na basta nabugbog ka. wala pang isang araw, walang sabi-sabi papainumin ka ng beer, papanguyain ka ng sili o pa-pagapangin ka sa putek name anything na masakit you got it (ay ganun din pala sa PMA)

    Usually yung mga sumasali dito eh yung takaw away o talagang gusto lang humanap ng gulo or may atraso o kaya napagtitripan ng ibang grupo. Other than that isa rin itong uri ng proteksyon from other elements na alam mong pwedeng makasakit sayo kaya either way wala kang choice.

    Ganito din sa kulungan at sa kahit saang lugar at ang usual na pinagsisimulan ng gulo eh mga petty things lang, mga maliliit na bagay pero op kors madami kayo kaya ayus lang sama-sama sa sakit at sama-sama sa ginhawa.

    may good points din naman sumali sa isang fraternity. Meron kang proteksyon, meron kang mauutangan, meron kang kausap, meron kang kasama, tapos meron kang mababalikan kunwari wala ka na sa University mo uhmm sikat ka pa.

    Wala naman akong problema sa pagsali nung bata sa UP, desisyon nya yun pero galing din sa isang dating Master Initiator (ehem hindi po kami nananakit pwamis kasi di kami naniniwala sa ganun) palagay ko responsibilidad parin nung grupo yung neophyte kahit anong mangyari at ang isang hazing or kung ano mang tawag nila dun sa palagay ko eh hindi isang venue para pumatay kundi upang ma-determine kung gaano katigas ang lob at ang will ng magiging future member ng frat.

    kaya mali lang talaga na namatay yung bata...

    Dati nagtanong ako sa isang frat sa UP about dun sa namatay na neophyte nila way back 1990's, sabi sakin nagkaron ata ng inggit yung isang head sa isang neophyte at dun nilabas ang bad trip nung nagpapaluan na...

    Malas lang talaga... haay... well.. para sayo Chris Mendez hindi ka bagay sa fraternity na yun... sana samin ka na lang sumali... wala kaming pinapatay at lahat inaalagaan namin... sayang ka pare... pero sige lang palagay ko naman ayus ka na kung san ka man naroroon...

    sana makamit mo rin ang hustisyang karapat-dapat para sayo kasama ng mga iba pang namamatay dahil sa mga pinag-gagawa ng mga taong tulad ng ginawa nila sayo...

    4 comments:

    Anonymous said...

    anu pu pngkaiba niu xa iba png frat bukod xa d keo "nananakit"?

    Anonymous said...

    funny how those who despise "barbarians" (non-frat people) in universities often turn out to be the real barbarians :-(

    taroogs

    upoytao said...

    anu pu pngkaiba niu xa iba png frat bukod xa d keo "nananakit"? - good question anonymous madaming reason bakit kami different and one of them is that hindi kami naniniwala sa pag kaaway ng isa kaaway ng lahat we will even purge anybody who would put our fraternity in any bad situation.

    taroogs: oo nga eh haay grabe sila manakit ng tao...

    Anonymous said...

    What is your own ethical judgment on this case