Words and music by Joey Ayala
Habang ikaw ay natutulog
ako naman ay nagising
at naupo sa may bintana
at nakisama sa ‘yong paghimbing
sarap mong lambingin
lalo na’t madilim-dilim
habang ika’y natutulog
Inaantok ang umaga
ayaw bumangon tinatamad
ikaw naman ay nananaginip
sa mga ulap ay lumilipad-lipad
saang langit napadpad
nais kong sumabay
habang ika’y natutulog
kaibigan, kasama
kahati, kabiyak
sa luha’t halakhak
kapiling, kasiping
Umaga na mahal
sa silid ng pagibig ko
Tahanan, silungan
supling at kapatid
Kaakbay at kaakay
karamay sa buhay
Umaga na mahal
sa silid ng pagibig ko
Habang ikaw ay natutulog
ako naman ay nagising
at naupo sa may bintana
at nakisama sa ‘yong paghimbing
sarap mong lambingin
lalo na’t madilim-dilim
habang ika’y natutulog
Inaantok ang umaga
ayaw bumangon tinatamad
ikaw naman ay nananaginip
sa mga ulap ay lumilipad-lipad
saang langit napadpad
nais kong sumabay
habang ika’y natutulog
kaibigan, kasama
kahati, kabiyak
sa luha’t halakhak
kapiling, kasiping
Umaga na mahal
sa silid ng pagibig ko
Tahanan, silungan
supling at kapatid
Kaakbay at kaakay
karamay sa buhay
Umaga na mahal
sa silid ng pagibig ko
2 comments:
wah ang ganda..
yeah as in sobra asteeg!!!
Post a Comment