PageRank Tool The current mood of upoytao at www.imood.com upoytao Add to Technorati Favorites Pinoy-Blogs.com Blog Directory & Search engine Best blogs on the Web: all about WWW Blog Flux Pinger - reliable ping service. Use JavaScript to scramble your email from spiders and spammers. Button Creator for free - make 80x15 and 88x31 in seconds Blog Directory

lunar phases
Locations of visitors to this page Free Web Site Counters
Free Web Site Counters
View My Stats
  • Subscribe

  • MRT nanaman!!!

    ang cute nung bata grabe

    Okay madami talagang weirdo sa MRT at madaming nakakatakot na experience sa MRT pero ang ikukwento ko sa inyo ngayon eh yung nangyari sakin last week.

    papunta akong trabaho nun at op kors puno ulit ang MRT (kelan ba naman siya hindi naging puno aber?)

    so ganun sumakay ako at ewan ko kung talagang mabait lang ang diyos sakin o ano pero nakaupo ako.

    Di naman ako chismoso pero narinig ko yung mga katabi nag-uusap.

    ang itsura nila di naman masyado masasabing masa pero makikita mo para silang mga nagtatrabaho sa department store.

    Anyway ang pinaguusapan nila eh tungkol sa isang superior nilang terror daw.

    Sabi nung isa grabe daw talaga yung babaeng yun, brutal daw sa mga bata nya at pag nag-iinterview ng mga aplikante eh PINAPAKANTA pa nya.

    At that point nanlaki ang mata ko at ewan ko kung matatwa ako o maawa...

    haay... power tripping really sucks...

    heniweys habang bumabyahe kami may sumakay sa cubao station na dalawang estudyante.

    Lalaki naka polo ng puti, pumwesto sa hrap ko.

    Pagtingala ko may nakita akong ubod ng laking kulangot sa kanang butas ng ilong at gumagalaw mehn!

    Sumasabay sa pghinga nya na parang malalaglag, at konting ihit lang ng hangin ng ilong nya eh tatalsik sa mukha ko yun.

    Di mo ma-imagine kung gaano ko sinubukan ilagan kada hinga nya mehn!!!

    tapos ang malupit pa dun sumisinga siya ng paunti unti na parang nililinis yung ilong nya ng alikabok.

    jusme torture!!!!

    buti na lang nakarating nako sa pupuntahan ko...

    Haay buhay...

    Meron pang isang nangyari.

    After nung basketball practice namin sa opisina sumakay ako ng MRT at ako naman ang nakatayo.

    May kaharap akong tatlong tao.

    Dalawang baabe na nursing student ata dahil naka -uniform ng puti at may cap sa ulo at may matandang semi-tulog or tulog talaga.

    Heniweys nakakapit yung dalawang kamay ko sa taas na kapitan ng tren.

    yung sa gitnang babae eh natutulog sa kaliwa nya yung matanda.

    eh bigla akong na-ha-ching!!!

    dapat sa kaliwa ko ibabaling yung bibig ko kaya lang may katabi din ako dun na nakaharap yung mukha sa kaliwang braso ko (sobrang lapet!)

    kaya napakanan ako ng bahing, sabay sabi ng sorry.

    tiningnan ko yung mga nasa harap ko wala namang umimik. (haay safe na, di nanaman ako nag-skandalo)

    pero pagharap ko ulit sa matanda medyo half-asleep niyang pinupunasan yung kanag pisngi nya kasi nakapatong yung ulo nya sa kaliwang kamay nya so hes facing left.

    pagkatapos nyang pumunas binuksan nya yung mga mata nya ng kalahati lang sabay tumingin sakin sabay natulog ulet.

    muntik nakong mamatay sa tawa pero pinigilan ko.

    kakaiba talaga ang MRT.

    ^_^

    2 comments:

    ruther said...

    pareho pala tayo..ikaw MRT stories..ako naman FX stories...

    mapagmasid sa paligid...LOL

    upoytao said...

    hahaha uy bakit ruther na name mo thet?

    ^_^