minsan may mga weirdong karanasan ka sa MRT na di mo inaasahan tulad nung isang araw nakasakay ako sa usual na masikip na morning MRT papuntang north tapos nung tumigil na kami sa cubao eh nagsiksikan na yung mga tao par makapasok.
Tapos may isang mama na nagpupumilit na pumasok pero di siya kasya kaya sabi nya:
"Kasya pa yan!!! Imposibleng hindi magkasya eh bagong bago pa lang tong tren na to!!! kabibili lang nito!!!"
Nagkatinginan kami ng mga kasakay ko sa tren sabay simpleng tawa.
"Potek anong kinalaman ng pagiging bago sa luwag?" nakatingin lang yung kaharap (actually kadikitan ko) ko sakin at di ma-isip kung anong reaksyon nya siguro siya rin parang naghahanap ng meaning sa buhay nya sa mga katagang binitawan nung lalaking yun.
In the end di rin nakasakay yung lalaki sabay hirit na lang siya:
"Ahh masikip na... Masikip... (repeat to fade parang kanta)"
heniweys nasarhan na siya siguro makakasakay siya sa susunod na tren or pwede ring hindi we never know...
talagang matalinghaga ang buhay nyahahaha
Isang araw sa MRT
Pogi = upoytao
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
Talagang kay rami nga namang kakaibang nangyayari sa MRT. Ako man marami ding kwentong kagaya nyan pero di ko lang matandaan. Ang MRT na siguro ang pinaka magandang lugar na kung saan pwede natin masilip ang anyo ng pang araw araw na buhay ng masang pilipino.
tj: hehehe the best talaga MRT nakakatawa na nakakaasar nyahahaha
Post a Comment