Last weekend tinulunan ako ni ju buuin ang aking mountain bike na si kidlat tahimik (kidlat tahimik ang pangalan nya kasi mabilis siya parang kidlat pero dapat tahimik ka lang kundi makakalunok ka ng langaw o lamok sa bilis)
Ok na sana yung pag bubuo namin ng mga pyesa yun lang nga ninakaw ng nagpack ng bisikleta ko sa cebu na yung drayber ng landlady ko dati ang aking gear aba ponyeta talaga kailangan ko pang mangutang kay ju ng pambili para lang makapag bike ulit its a staggering 500 pesos plus yung pagpapaayos ng mga rayos ko grr kasi yung ponyeta ko ring landlady inilabas at nilagay sa kitchen yung bike ko buti na lang hindi ninakaw pero kinalawang siya ng sobra nakakaiyak nga nung nakita ko eh.
1400 lahat lahat ang nagastos ko jusme nagiipon nga ako ng pera di na nga ako nakakapag jujitsu waahhh hirap talaga ng buhay ngayon grrrr.
heniweys yung ninakaw pala eh yung pang adjust ng gears sa likod na part ng bike ko shimano yun mahal ayun ninakaw kaasar talaga di sana sya makabuo ng bata grrrr
pero naayos naman si kidlat at nagamit ko na iya aside from the occasional clicks sa may gulong sa harapan palagay ko ok naman siya na miss ko talaga yung bike kong yun haaay
kung san san na kami nakarating nun di ko nga maimagine na makakapagkita pa kami eh.
haay para sayo kidlat welkam bak hehehe
^_^
Buhay na ulit si Kidlat Tahimik!!!!
Pogi = upoytao
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
ang galeng galeng! welcome back kidlat tahimik!
meron ba yung pangalan nung andito pa yan sa cebu? wehehehe...
hahaha oo naman noh yan na ang pangalan nya noon pa hehehe apir!!!
Post a Comment