PageRank Tool The current mood of upoytao at www.imood.com upoytao Add to Technorati Favorites Pinoy-Blogs.com Blog Directory & Search engine Best blogs on the Web: all about WWW Blog Flux Pinger - reliable ping service. Use JavaScript to scramble your email from spiders and spammers. Button Creator for free - make 80x15 and 88x31 in seconds Blog Directory

lunar phases
Locations of visitors to this page Free Web Site Counters
Free Web Site Counters
View My Stats
  • Subscribe

  • Idol talaga si Renaldo!!! mabuhay ka!!! hehehe

    We're Brothers Forever
    by Renaldo Lapuz

    "I am your brother
    Your best friend forever
    Singing the songs
    The music that you like
    We're brothers til the end of time
    Together forever til the end of time
    I am your brother
    Your best friend forever
    Singing the songs
    The music that you like
    We're brothers til the end of time
    Together or not, you're always in my heart
    Your hurting feelings
    Will reign no more."

    Usap ex:part 2

    boy1:Pare weird!
    boy2:Ha? bakit?

    boy1:napanaginipan ko yung ex ko tsaka yung pinang two-time nya sakin!
    boy2:hahaha talaga anong nangyari?

    boy1:magkakasama daw kaming tatlo parang magbabarkada
    boy2:ha? magbabarkada?

    boy1:Oo pare weird talaga tapos narealize ko na lang sa panaginip ko "Wait teka teka di ba kayo yung nang-gago sakin?"
    boy2:O? anong sabi nila?

    boy1:Tinawanan lang ako pare!
    boy2:hahaha eh anong ginawa mo?

    boy1:Tiningnan ko rin sila mukhang close nga kaming tatlo eh
    boy2:Wahahaha nakakatawa talaga yun ah

    boy1:Oo nga eh ano kayang ibig sabihin nun?
    boy2:Baka ibig sabihin nun ok ka na

    boy1:Ok saan?
    boy2:ok sa ginawa nila

    boy1:Hmm... sa bagay... pero weird lang talaga mehn
    boy2:ako din may panaginip akong ganyan eh but this time nakikita ko lang silang dalawa nung ex ko tsaka nung syota nya.

    boy1:Ows? talaga? anong nakita mo?
    boy2:Naglalampungan sila hehehe

    boy1:Potsa naman eh yung seryoso naman pare senting senti nako dito sabay hihiritan mo ng bastos waahhh
    boy2:Oks oks seryoso na talaga to...

    boy1:Sige anong nangyari?
    boy2:well yun nga magkakasama kaming tatlo and then parang nag-uusap kami about life and relationships weird nga eh sobra..

    boy1:syet pare sabi ng lolo ko may ibig sabihin daw yan pag ganyan...
    boy2:Ano daw ibig sabihin nun pare/

    boy1:magbabalikan kayo!
    boy2:gago! nasa japan na kaya siya magbabalikan pa kami??

    boy1:Di natin alam malay natin di ba?
    boy2:hmm... pag ba may syota kana tapos nagpatira yung ex mo ibig sabihin adultery na yun?

    boy1:Alangan! eh may syota ka na eh!
    boy2:eh parang binabalikan mo lang naman yung dating bahay mo diba? hehehe

    boy1:Gago!
    boy2:eh pano kung nasa ibang bansa ka tapos tumira ka ng pokpok? masama parin yun?

    boy1:OO masama na kadiri pa!
    boy2:Eh di ba parang your masturbating ng may tulong na lang di ba? hehehe

    boy1:Alam mo gutom lang yan...
    boy2:eh pano kung nakita mo yung nanay ng kapitbahay...

    boy1:Sasapakin na kita pare konti na lang...
    boy2:WAHAHAHAHAHAHAHAHA

    Iskolar Survey


    1. Student Number? - 98-91002

    2. College? - UP Cebu College - Mass Communication

    3. Course? - BA Mass Communications

    4. Nag-shift ka ba o na-kickout? - Nope Di ako nag shift kasi di kaya ng grades ko nyahaha and muntik nakong makick out saya kasi eh

    5. Saan ka kumuha ng UPCAT? - Sa MATH building! 6:30 pa ng umaga yun jusme how ironic eh hate na hate ko pa naman ang Math na subject pero awa ni papa Jesus pumasa woohoo!!!

    6. Favorite GE subject? - P.E. ata hahaha Judo kasi eh flat 1 pero sige uhmm history 1 kasi paikot ikot kami sa Cebu asteeg!

    7. Favorite PE? - JUDO!!! Swabeh!

    8. Saan ka nag-aabang ng hot babe sa UP? - Uhmm.. sa Management building madami mababango pa hehehe

    9. Favorite prof(s) - Sir Mike, Ms. Wensy, Sir Manticajon, Sir Espiritu,

    10. Pinaka-ayaw na GE subject. - Comm 1 at Pol Sci 11 = biktima ako ng discrimination dun mehn...

    11. Kumuha ka ba ng Saturday classes? - Meron mga elective classes!

    12. Nakapag-field trip ka ba? - Oo naman kung saan saan sa Cebu kahit muntik na kaming ma stuck sa gitna ng gubat at kabundukan ng Cebu!

    13. Naging CS ka na ba or US sa UP? - Never pa mehn... pero dream ko yun...

    14. Ano ang Org/Frat/Soro mo? - U.P. TAO

    15. Dorm, Boarding house, o Bahay? - Dorm bebe hehehe U.P. Dorm Rulezzz!!!

    16. Kung walang UPCAT test at malaya kang nakapili ng kurso mo sa UP, ano yun? - Fine Arts!

    17. Sino ang pinaka-una mong nakilala sa UP? - Si jeng at Marlon sa may kainan yun at sa dorm.

    18. First play na napanood mo sa UP? - Play namin sa klase

    19. Saan ka madalas mag-lunch? - sa dorm lang o kaya brown gate pero kadalasan sa may Pungko2x yum yum

    20. Masaya ba sa UP? - Is that a trick question? Baliw na lang siguro yung hindi mag eenjoy dun hehehe

    21 . Nakasama ka na ba sa rally? - yes yes yo!

    22. Ilang beses ka bumoto sa Student Council - mga 2 times lang ata

    23. Pinangarap mo rin bang mag-laude nung freshman ka? - Oo libre lang kasi ang mangarap

    24. Kung di ka UP, anong school ka? - UST or Miriam or Ateneo pero ubod kasi ng mahal eh)

    25. Nagkagirlfriend ka ba sa UP? - Yes Yes Yow!

    Usap ex


    b1:Kita ko ex ko pare
    b2:Ows talaga? San?

    b1: Sa friendster tol... potek ang taba na nya! Ano kayang pinakain sa kanya nung syota nya?
    b2:Alangan may iba pa bang ipapakain dun kundi nota nyahaha

    b1:GAGO! Manyak ka talaga!Given na yun hehehe pero ewan ko mehn parang wala na ata sila eh
    b2:Ha? bakit mo naman nasabi yun?

    b1:Kasi tol wala na yung status nung dalawa sa profiles nila siya dati proud na proud na ilagay na in a relationship siya tapos biglang naging single tapos biglang nawala ano yun trend?
    b2:Sus wag mo nang pag-isipan yun tutal ayus na yun if you know what I mean hehehe

    b1:hahaha gago! what I mean is wala lang parang nakakaawa lang siya like after another three years makikipaghiwalay nanaman siya and malulungkot nanaman siya...
    b2:Eh wala eh iniwan ka nya pinagpalit ka nya sa isang forever in the school youth...

    b1:Oo nga eh tanga noh? hehehe
    b2:hahaha kapal mo tsong! hehehe

    b1:Ikaw musta na kayo ng ex mo?
    b2:Ok lang naman kami pero mas gusto kong hindi siya kausapin.

    b1:Ha? bakit naman?
    b2:Eh kasi parang ang tagal mag move on pag kausap namin ang isat-isa eh

    b1:Bakit ilang taon na ba kayong hiwalay?
    b2:limang taon na pare...

    b1:Ano 5 years pero di ka pa nakaka get over?
    b2:eh kasi ano... ewan ko ba hirap i-explain eh...

    b1:Hep-hep wag mo nang i-explain mukhang alam ko na.
    b2:Ngek sige nga pano mo nalaman?

    b1:Sabihin na lang natin na may mga taong di mo talaga nakakalimutan.
    b2:WAHAHAHAHA Potsa ang senti mo ha?!

    b1:hahaha suuuusss palusot siya naman tong senti hahaha
    b2:hahaha onga!!!!

    Paputok anyone?


    Ok so pano ako nag xmas and nag new year?

    So far so good naman masaya naman siya as always and madami rin akong nakuhang regalo.

    By the way salamat po sa lahat ng nagregalo sakin mabuhay po kayo naway ma blessan kayo ni papa jesus!

    Kakaiba na rin talaga ang paputok ngayon sobrang lalakas na di tulad ng dati na puros watusi lang ang pinapaputok ng mga bata may piccolo na ngayon na ubod ng takaw sa disgrasya!

    haay nako san ka ba naroon piccolo nung kailangan kita?

    hehehe yep adik ako magpaputok dati pero di naman ako nagpapaputok ng labintador ginagawa lang namin dati ng lolo ko nagsusunog kami sa isang malaking drum at tinatapon namin sa loob yung mga paputok at yun tuwang tuwa na kami pag may sumasabog!

    safe siya at alam mong pataas ang putok at hindi patagilid ang sabog. At minsan pag may nahuhuli kaming daga (kasi napapalibutan ng mga skwater ang bahay namin kaya madaming malalaking daga) dun namin tinatapon... uhmm amoy lutong daga siya uhmmm weird...

    nakakatawa rin pagkatapos ng putukan nung bata ako at manonood ako ng magandang gabi bayan ng mga naputukan tapos pagtatawanan ko yung mga rason nila bakit sila naputukan. (talk about a sick childhood hehe) eh kasi naman talagang nakakatawa yung mga dahilan nila eh!

    "Tinanggal ko po lahat ng laman nung paputok po... tapos nung napakarami na po nila sinindihan ko ng posporo po... ayun nasunog po pati mukha ko..." (oo nga naman wala na kasi siyang mitsa)

    "Lasing po kasi ako nun ser GRRAAAAAHHHHHH!!! (binibuhusan ng mertayolet yung kamay nya habang iniinterbyu siya sa TV tapos maiiyak 35 years old na siya na lalaki)

    "Hinagisan po ako nung kapitbahay namin ayun sumabog po sa mukha ko huhuhu"

    May iba naman nakakawa talaga

    "Nakaupo lang po ako sa hagdanan ng bahay namin sabay pagtingin ko po sa dibdib ko may nakabaon na pong lata ng gatas... kasi nilagay po yung paputok sa loob"

    Yung iba naman sobrang kadiri pero nakakatawa

    "Nilagay po yung paputok sa ibabaw ng tae ng kalabaw ayun po nagkalat po yung tae sumabog po!"

    Sa totoo lang di ko talaga ma gets bakit nagpapaputok ang mga pinoy ng unsafe at kala mo sinong matapang na minsan hinahawakan pa yung paputok sa dulo ng daliri kala mo diyos!

    Naalala ko tuloy may schoolmate ako nung college na buong taon ko sa college eh may balot ang kamay.

    Kasi daw kulang na ang daliri nya naputukan daw kaya ayun nahihiya kasi nga naman tinatanong siya lagi about it at siguro naasar na siyang sumagot tungkol dun kaya ayun binabalot na lang niya.

    kaya laging tatandaan!

    Ang syota napapalitan!
    Ang alagang aso napapalitan!
    kahit damit napapalitan!

    Pero hindi ang parte ng katawan!

    emen? EMEEENNN!!!!

    Happy new year pipol hehehe

    Happy new year blog ko mwah mwah mwah awabyu!

    ^_^