b1:Pare di na kami pwede magka anak ni misis...
b2:Ha bakit?
b1:Ayaw na nya eh gusto nya isa lang...
b2:Ah eh ayaw mo nun? Makakatipid kayo?
b1:Ok yun pero gusto ko pa magka-anak sana kahit isa pa... tsaka alam mo naman yung panganay namin eh may diperensya...
b2:oo pare nakita ko nga... gusto mo ng mas "normal" na anak...
b1:Hindi naman sa hindi ko mahal ang asawa't anak ko pero out of reproduction tsaka gusto ko naman may maiwan ako sa mundong lahi ko... at magaalaga dun sa panganay ko if mawala na kami ni misis.
b2:naku pre mahirap talaga yan kailangan mag usap kayo...
b1:Sinubukan ko siyang kausapin pero mukhang malabo...
b2:Baka malungkot lang siya pare...
b1:Pakiramdam ko pa nga ako yung sinisisi nya kasi yung pinsan ko eh may ganung problema tulad ng panganay ko... ewan ko kung gumagana pa yung relasyon namin...
b2:hindi naman siguro pare...
b1:Tingin mo mambabae na lang ako?
b2:Ha? ah... eh... di ko alam pre... solusyon ba yun?
b1:Wala akong nakikitang paraan pare either malaman niya O hindi...
b2:Eh pano kung malaman niya?
b1:Problema yun pero di ko alam san papunta yung rlasyon namin eh... pakiramdam ko pag tumitingin siya sakin eh ako ang dahilan ng kamalasan ng anak namin...
b2:Pag-isipan mong mabuti pare mahirap yan... pano kung yung magiging anak mo eh ganun din sa kabila?
b1:...pre may sira ba talaga dugo ko? wala na ba akong chance na lumigaya?
b2:... di ko masasabi yan pare...
b1:hirap nako pare 3 years old na si panganay... ako heto pakiramdam ko tumatanda ako ng mas mabilis pa sa magulang ko...
b2:Pag-isipan mong mabuti pre hindi basta basta yung pinapasok mo... magpatingin ka kaya sa doktor?
b1:Ginawa ko na yun pero di pa rin masabi ng doktor kung anong magiging resulta ng magiging anak ko...
b2:Wala tayong magagawa pare andyan na yan eh... pero di naman kita pipigilan kung gusto mong maging masaya.
b1:Alam mo pare ang swerte nyo ng asawa mo... normal ang anak nyo.
b2:nagkakataon lang yan pare pero salamat.
b1:bahala na... kesa naman tumanda ako ng di ko nagagawa ang gusto ko...
b2:hmm.. palagay ko mag-usap na lang kayo ng mabuti ng misis mo.
b1:at ano ang sasabihin ko na ayaw ko dun sa panganay namain na nasa dugo ko ang problema kaya ganun ang buhay namin?
b2:hinde... sabihin mo kung mahal nya ang anak ninyo eh mamahalin ka rin nya maging ano pa yung kinalabasan ng relasyon ninyo...
b1:Malabo yun... ewan ko kung makikinig pa siya...
b2:saka mo na isipin yan heto tagay ka muna!
Usap Misis
Pogi = upoytao
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comments:
That's so Filipino. You have an interesting series.
Peace.
Post a Comment