Hindi mo pa oras Trillanes.
Yung mga katulad mong habang buhay nang nagsisilbi sa bayan.
Yung mga tulad mong simula't sapul ay lumalaban at namamatay para sa inang bayan.
Hindi pa oras ng paghihiwatig.
Nang paglilinaw at pagbibigay ng liwanag.
Hindi ngayon at kelan man.
Dahil hindi nila naiintindihan ang tulad mo.
Dahil mas gusto nilang manatili sa kung nasaan sila,
at kung anong meron sila.
Hindi sila handa sa mawawala,
hindi rin sila handa sa pagbabago.
Pagbabago na galing sa isang tulad mo.
Matanong nga kita, Ni minsan ba nagnakaw ka?
Pumatay ng mga taong walang laban?
Ni minsan ba naghugas kamay ka sa katiwalian sa iyong paligid?
Minsan ba naghangad ka ng mas mataas sa kung anong binigay sa iyo ng pagkakataon?
Pero hindi nila maiintindihan yun Trillanes,
Dahil ikaw ay isang ganap na sundalo.
At ang sundalo sa paningin ng lahat ay dapat maging mangmang,
Takot sa kanyang pinagsisilbihan,
hindi nagtatanong at umuusisa,
Hindi pwedeng higitan ang sistemang kanyang pinanggalingan,
Hindi kayang umangat sa ideolohiya ng pagsunod at ganap na bulag na tagasunod lamang.
Hindi nila maiintindihan na ang pinaglalaban moy laban din nila.
Na hindi lang ang mga taga-kaliwa ang pwedeng magdala ng pagbabago.
Na ang mga may armas din ay mas may pananagutan sa kanilang ipinapagtanggol.
Hindi nila kayang intindihin dahil hindi sila ang humaharap sa kaaway.
Hindi sila ang nauubusan ng baril at bala sa gitna ng digmaan,
Hindi sila ang walang masilungan sa panahon ng tag-ulan.
Hindi sila ang tatanda at walang makukuhang benepisyo lalo na kung sila'y magkakasakit.
Hindi mo pa oras Trillanes,
Ngunit oras na ng madla.
oras na upang maihambing ka at siya na nakaupo,
at sila at ang mga lumalaban para sa bayan.
0 comments:
Post a Comment