PageRank Tool The current mood of upoytao at www.imood.com upoytao Add to Technorati Favorites Pinoy-Blogs.com Blog Directory & Search engine Best blogs on the Web: all about WWW Blog Flux Pinger - reliable ping service. Use JavaScript to scramble your email from spiders and spammers. Button Creator for free - make 80x15 and 88x31 in seconds Blog Directory

lunar phases
Locations of visitors to this page Free Web Site Counters
Free Web Site Counters
View My Stats
  • Subscribe

  • Tattoo and x-mas

    nagpa tattoo yung kakilala ng kaibigan ko, pangalan daw ng nanay nya tapos habang tinatattooan sya eh umiinom siya ng gin para di masyado masakit sa end nya.

    ang mali nya eh pinainom nya yung nag-tatattoo sa kanya.

    Ayun pagkatapos ng tattoo nya eh wrong spelling ang pangalan na nakalagay sa likod niya.

    Kaya kung tatanungin mo siya sino yung pangalan ng babaeng nakatatto sa likod nya sasabihin niya sayo prendship nya. Ayus!

    Yung isa namang kaibigan ko pina-tattoo nya yung pangalan ng asawa nya sa tyan nya may pakpak pa!

    sabi ko bakit ganun?

    Sabi niya para daw pag naglalakad siya parang lumilipad ang pangalan.

    Yung isang barkada ko naman nung high school nagpatattoo ng shark sa hita nya pero pag nakaflex ito nagmumukhang dolphin.

    "Uy Mike may tattoo ka pala? Asteeg dolphin!"

    "Uhmm, pare hindi dolphin to, shark to..."

    "eh bakit mukhang dolphin?"

    "Hindi talaga pare shark yan!"

    "Pustahan tayo mukhang dolphin yan?"

    "Sige ba!"

    (naghatak ng isa pang klasmeyt at pinakita ni mike yung tattoo nya"

    "WHOW DOLPHIN!"

    "POTANG-INA SHARK NGA TO EH! SHARK?! GETS?!"

    "Eh ba't mukhang dolphin?" (sabi nung klasmeyt ko)

    "Ah basta shark to alis na nga ako!"

    Ayun umuwing masakit ang dib-dib ng klasmeyt ko. Naman kasing dolphin yan eh...

    may kilala naman ako nagpa-tattoo ng tweety bird ng looney tunes.

    27 na siya yun parin tattoo nya asteeg!

    Yung isa naman nagpatattoo ng pangalan ng gf nya... ang problema naghiwalay sila kaya ayun may nakapatong nang pusong may nakasaksak na knife.

    Actually gusto kong magpa-tattoo kaya lang di ko pa alam kung anong magiging design ko.

    Plano ko sana magpa-tattoo ng paa ng anak kong bagong panganak sa likod ko, problema wala pakong anak.

    Gusto ko din pa-tattoo ng symbol pero baka pagpunta ko sa ibang bansa may katulad na yung tattoo ko.

    kaya ngayon ewan ko kung magpapa-tattoo pako o hindi.

    hmm... maisip nga...

    +*+*+*+*+*+*+*+*

    Sa kabilang dako wag na wag kayong kakain sa KOWLOON HOUSE!

    kadire sila sobra umorder ako ng paa ng manok at spare ribs sa halagang 65 pesos each! yung spare ribs puros taba, tapos yung chicken feet nila ice pa yung gitna!

    Pinainit ko yung food tapos nung pinainit na nila hirit pa ng hirit yung waiter nila ok na sir? ok na? sabay ngiti.

    di ko na kinain kahit mainit.

    ewan ko kung kailan nila niluto yun pero ang nakakaasar eh matagal nang nakatambay sa freezer nila yun tapos pinapakain nila sa mga customers nila grrr!!!

    ewan ko ba nawalan ako ng gana sobra after nun grrr...

    basta NEVER EVER EAT AT KOWLOON HOUSE! MGA PAKSHET SILA!

    +*+*+*+*+*+*+*+*

    Was able to purchase a cheap DVD burner last sat! laking tulong talaga nya lalo na punong puno na ang hard disk ko... haay thank you lord bait mo talaga imagine sa halagang 1,500 pesos kaya ko nang matabi lahat ng files ko?

    makakanood pako ng dvd sa comp ko hehehe sounds cool right?

    pagpasensyahan nyo na ang bata at talagang nuon ko pa gustong magkaron ng dvd burner hehehe apir!

    +*+*+*+*+*+*+*+*

    X-mas wishlist ko:

    1. PSP - 7k-13k
    2. Judo Gi - 2k
    3. Digicam - 10 - 15k
    4. PC DDR ram 1 Gig - 4k
    5. Adidas Samba - 3k
    6. Mga bagong brief - 2k
    7. Trip to Sagada - 7k
    8. Cheesy Pops - 500+
    9. Rash Guard - 800+
    10. Fight Shorts - 800+

    ok yan na muna ewan ko kelan ko mabibili ang mga to pero bahala na di naman siguro masama ang mangarap (tutal dati pangarap kong mapangasawa si phoebe cates)
    hanggang pangarap na lang talaga yun...

    heniweys merry x-mas everybody mwah!

    ^_^

    3 comments:

    ^VinS^ said...

    Ayus! Kwela talaga ang mga pot mo ngayon manong Floyd! Halatang masaya ka na sa buhay ngayon... Hehehehe

    upoytao said...

    vins: hahaha tnx for visiting my blog mabuhay ka hehehe

    duke said...

    ang mahal naman ng mga bagong brip na yan!