PageRank Tool The current mood of upoytao at www.imood.com upoytao Add to Technorati Favorites Pinoy-Blogs.com Blog Directory & Search engine Best blogs on the Web: all about WWW Blog Flux Pinger - reliable ping service. Use JavaScript to scramble your email from spiders and spammers. Button Creator for free - make 80x15 and 88x31 in seconds Blog Directory

lunar phases
Locations of visitors to this page Free Web Site Counters
Free Web Site Counters
View My Stats
  • Subscribe

  • Moved on

    Heniweys tagal ko nang di nakasulat dito but just so you know kasi lumipat nako ng bahay and medyo na busy sa work hehehe heto na new house ko:

    www.brownseo.com

    See you there!

    Wazzzuuppp???

    I can remember na yung purpose ng blog na ito is to let out some steam from work, lovelife, and just life.

    It started way back 2004 and I was 24 (wow rhyming) I have to admit I don't know shit back then which makes me think that perhaps what I'm writing now may not be worth any shit in the future, but what the heck.

    I can remember working in a call center and opening this blog every single day posting poems, songs, pictures and whatever things inside my head that would fit my reverie.

    And now pagbukas ko wala na akong nakikitang bago. Parang nagpapahinga na lang siya parang alak na naghihintay tikman muli.

    Yun nga para na itong alak nakakalasing kung babasahin pabalik.

    Ganun na pala katagal?

    2008 na ngayon at ang tema pa rin ng blog ko eh mga buhay buhay ko.

    Di ko na matandaan kung anong date klita unang nilagyan ng post pero pakiramdam ko dapat i-congratulate kita sa kabaitan mo sakin at mga kalokohan natin hehehe

    here's to you dear blog MMMMMMWWWAAAHHHH!

    Rally, Rally!


    Uumpisahan ko na bago pa mahuli ang lahat palagay ko wala rin patutunguhan tong mga raly rally na to... Kahit na gusto ko man to magtuloytuloy na mukhang malabo na talaga mag prosper ito. Sana I'll be proven wrong pero malabo talaga eh.

    unang una masyado tayong naka concentrate sa isyu at hand hindi natin iniisip yung kakalabasan ng mga rally or ng mga protest actions wala tayong viable plan or alternative which is talagang sisingilin satin ng mga nakikirally satin.

    Pero ayoko rin namang sabihing hindi kailangan yung mga rally na yun palagay ko talagang napapanahon na rin talaga ang paglabas ng bad trip kay GMA. Siguro kelangan pa talagang may mamatay na ilang daan at maging patong patong na yung mga ninanakaw satin ng mga punyetang first family na yan pati mga tao nila sa ilalim. Ang problema mga progresibo lang ang mga namamatay at mga pari... Buti sana may namamatay din sa parte nila para at least even ang playing field di ba?" But thats begging for vindication na.

    Pero pakshet talaga kung meron man may gustong patumbahin si GMA at ang rehimen nya ako na yun paulit-ulit ko nang sinasabi yun minsan nga nagsawa nako kakasabi eh potek hangang sa naisip ko bahala na kayo tutal kung gusto nyo namang manakawan eh desisyon nyo yun.

    Nag text ako dun sa ka brod ko sabi niya ayaw nya raw yung pamamaraan ko ng pag protesta kay GMA (thru text) jusme yun na lang nga ayaw pa nya eh anong gusto nyang gawin ko? Sabay hirit na nabugbog na daw siya ng militar at nakirally din daw siya nung martial law etc.. ah eh di ko gets mehn bakit ayaw mo kong pasendan ng txt against GMA kung ganun? labo...

    Ewan ko bahala na... Labo...

    Usap Misis


    b1:Pare di na kami pwede magka anak ni misis...
    b2:Ha bakit?

    b1:Ayaw na nya eh gusto nya isa lang...
    b2:Ah eh ayaw mo nun? Makakatipid kayo?

    b1:Ok yun pero gusto ko pa magka-anak sana kahit isa pa... tsaka alam mo naman yung panganay namin eh may diperensya...
    b2:oo pare nakita ko nga... gusto mo ng mas "normal" na anak...

    b1:Hindi naman sa hindi ko mahal ang asawa't anak ko pero out of reproduction tsaka gusto ko naman may maiwan ako sa mundong lahi ko... at magaalaga dun sa panganay ko if mawala na kami ni misis.
    b2:naku pre mahirap talaga yan kailangan mag usap kayo...

    b1:Sinubukan ko siyang kausapin pero mukhang malabo...
    b2:Baka malungkot lang siya pare...

    b1:Pakiramdam ko pa nga ako yung sinisisi nya kasi yung pinsan ko eh may ganung problema tulad ng panganay ko... ewan ko kung gumagana pa yung relasyon namin...
    b2:hindi naman siguro pare...

    b1:Tingin mo mambabae na lang ako?
    b2:Ha? ah... eh... di ko alam pre... solusyon ba yun?

    b1:Wala akong nakikitang paraan pare either malaman niya O hindi...
    b2:Eh pano kung malaman niya?

    b1:Problema yun pero di ko alam san papunta yung rlasyon namin eh... pakiramdam ko pag tumitingin siya sakin eh ako ang dahilan ng kamalasan ng anak namin...
    b2:Pag-isipan mong mabuti pare mahirap yan... pano kung yung magiging anak mo eh ganun din sa kabila?

    b1:...pre may sira ba talaga dugo ko? wala na ba akong chance na lumigaya?
    b2:... di ko masasabi yan pare...

    b1:hirap nako pare 3 years old na si panganay... ako heto pakiramdam ko tumatanda ako ng mas mabilis pa sa magulang ko...
    b2:Pag-isipan mong mabuti pre hindi basta basta yung pinapasok mo... magpatingin ka kaya sa doktor?

    b1:Ginawa ko na yun pero di pa rin masabi ng doktor kung anong magiging resulta ng magiging anak ko...
    b2:Wala tayong magagawa pare andyan na yan eh... pero di naman kita pipigilan kung gusto mong maging masaya.

    b1:Alam mo pare ang swerte nyo ng asawa mo... normal ang anak nyo.
    b2:nagkakataon lang yan pare pero salamat.

    b1:bahala na... kesa naman tumanda ako ng di ko nagagawa ang gusto ko...
    b2:hmm.. palagay ko mag-usap na lang kayo ng mabuti ng misis mo.

    b1:at ano ang sasabihin ko na ayaw ko dun sa panganay namain na nasa dugo ko ang problema kaya ganun ang buhay namin?
    b2:hinde... sabihin mo kung mahal nya ang anak ninyo eh mamahalin ka rin nya maging ano pa yung kinalabasan ng relasyon ninyo...

    b1:Malabo yun... ewan ko kung makikinig pa siya...
    b2:saka mo na isipin yan heto tagay ka muna!

    Idol talaga si Renaldo!!! mabuhay ka!!! hehehe

    We're Brothers Forever
    by Renaldo Lapuz

    "I am your brother
    Your best friend forever
    Singing the songs
    The music that you like
    We're brothers til the end of time
    Together forever til the end of time
    I am your brother
    Your best friend forever
    Singing the songs
    The music that you like
    We're brothers til the end of time
    Together or not, you're always in my heart
    Your hurting feelings
    Will reign no more."

    Usap ex:part 2

    boy1:Pare weird!
    boy2:Ha? bakit?

    boy1:napanaginipan ko yung ex ko tsaka yung pinang two-time nya sakin!
    boy2:hahaha talaga anong nangyari?

    boy1:magkakasama daw kaming tatlo parang magbabarkada
    boy2:ha? magbabarkada?

    boy1:Oo pare weird talaga tapos narealize ko na lang sa panaginip ko "Wait teka teka di ba kayo yung nang-gago sakin?"
    boy2:O? anong sabi nila?

    boy1:Tinawanan lang ako pare!
    boy2:hahaha eh anong ginawa mo?

    boy1:Tiningnan ko rin sila mukhang close nga kaming tatlo eh
    boy2:Wahahaha nakakatawa talaga yun ah

    boy1:Oo nga eh ano kayang ibig sabihin nun?
    boy2:Baka ibig sabihin nun ok ka na

    boy1:Ok saan?
    boy2:ok sa ginawa nila

    boy1:Hmm... sa bagay... pero weird lang talaga mehn
    boy2:ako din may panaginip akong ganyan eh but this time nakikita ko lang silang dalawa nung ex ko tsaka nung syota nya.

    boy1:Ows? talaga? anong nakita mo?
    boy2:Naglalampungan sila hehehe

    boy1:Potsa naman eh yung seryoso naman pare senting senti nako dito sabay hihiritan mo ng bastos waahhh
    boy2:Oks oks seryoso na talaga to...

    boy1:Sige anong nangyari?
    boy2:well yun nga magkakasama kaming tatlo and then parang nag-uusap kami about life and relationships weird nga eh sobra..

    boy1:syet pare sabi ng lolo ko may ibig sabihin daw yan pag ganyan...
    boy2:Ano daw ibig sabihin nun pare/

    boy1:magbabalikan kayo!
    boy2:gago! nasa japan na kaya siya magbabalikan pa kami??

    boy1:Di natin alam malay natin di ba?
    boy2:hmm... pag ba may syota kana tapos nagpatira yung ex mo ibig sabihin adultery na yun?

    boy1:Alangan! eh may syota ka na eh!
    boy2:eh parang binabalikan mo lang naman yung dating bahay mo diba? hehehe

    boy1:Gago!
    boy2:eh pano kung nasa ibang bansa ka tapos tumira ka ng pokpok? masama parin yun?

    boy1:OO masama na kadiri pa!
    boy2:Eh di ba parang your masturbating ng may tulong na lang di ba? hehehe

    boy1:Alam mo gutom lang yan...
    boy2:eh pano kung nakita mo yung nanay ng kapitbahay...

    boy1:Sasapakin na kita pare konti na lang...
    boy2:WAHAHAHAHAHAHAHAHA

    Iskolar Survey


    1. Student Number? - 98-91002

    2. College? - UP Cebu College - Mass Communication

    3. Course? - BA Mass Communications

    4. Nag-shift ka ba o na-kickout? - Nope Di ako nag shift kasi di kaya ng grades ko nyahaha and muntik nakong makick out saya kasi eh

    5. Saan ka kumuha ng UPCAT? - Sa MATH building! 6:30 pa ng umaga yun jusme how ironic eh hate na hate ko pa naman ang Math na subject pero awa ni papa Jesus pumasa woohoo!!!

    6. Favorite GE subject? - P.E. ata hahaha Judo kasi eh flat 1 pero sige uhmm history 1 kasi paikot ikot kami sa Cebu asteeg!

    7. Favorite PE? - JUDO!!! Swabeh!

    8. Saan ka nag-aabang ng hot babe sa UP? - Uhmm.. sa Management building madami mababango pa hehehe

    9. Favorite prof(s) - Sir Mike, Ms. Wensy, Sir Manticajon, Sir Espiritu,

    10. Pinaka-ayaw na GE subject. - Comm 1 at Pol Sci 11 = biktima ako ng discrimination dun mehn...

    11. Kumuha ka ba ng Saturday classes? - Meron mga elective classes!

    12. Nakapag-field trip ka ba? - Oo naman kung saan saan sa Cebu kahit muntik na kaming ma stuck sa gitna ng gubat at kabundukan ng Cebu!

    13. Naging CS ka na ba or US sa UP? - Never pa mehn... pero dream ko yun...

    14. Ano ang Org/Frat/Soro mo? - U.P. TAO

    15. Dorm, Boarding house, o Bahay? - Dorm bebe hehehe U.P. Dorm Rulezzz!!!

    16. Kung walang UPCAT test at malaya kang nakapili ng kurso mo sa UP, ano yun? - Fine Arts!

    17. Sino ang pinaka-una mong nakilala sa UP? - Si jeng at Marlon sa may kainan yun at sa dorm.

    18. First play na napanood mo sa UP? - Play namin sa klase

    19. Saan ka madalas mag-lunch? - sa dorm lang o kaya brown gate pero kadalasan sa may Pungko2x yum yum

    20. Masaya ba sa UP? - Is that a trick question? Baliw na lang siguro yung hindi mag eenjoy dun hehehe

    21 . Nakasama ka na ba sa rally? - yes yes yo!

    22. Ilang beses ka bumoto sa Student Council - mga 2 times lang ata

    23. Pinangarap mo rin bang mag-laude nung freshman ka? - Oo libre lang kasi ang mangarap

    24. Kung di ka UP, anong school ka? - UST or Miriam or Ateneo pero ubod kasi ng mahal eh)

    25. Nagkagirlfriend ka ba sa UP? - Yes Yes Yow!